After my PP experience, it was the beginning of a very meaningful week. Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa aking home church, ang Indang UNIDA Church. Patuloy pa rin ang aking pagpapawis dahil sa sobrang init!!!! Hindi na ako sanay sa klimang ganito pero so far, I'm happy and having fun.
One thing that I was looking forward to is to attend the Seven Last Words so Thursday, pumunta ako sa church, hoping na may tao sa church na nagpa-practice para sa gawaing yun. Hindi naman ako nabigo. Andon ang mga members ng choir at music ministry. Well, ang hindi ko inaasahan ay ang mahingan ako ng special number. Syempre, para kay Lord, gagawin ko ang lahat sa abot ng makakaya ko, so, nag-practice kami ng band. Isang pamilyar na kanta naman ang aking aawitin.
Sumunod na araw, Biyernes santo, balik church ako. I was very happy to see my brothers and sisters in Christ. Tuwang-tuwa din ako kasi madaming bagong mukha at ganon din, ang mga na-miss kong mga members ng church. Halos mapa-iyak nga ako sa sobrang saya. Ang church ang second family ko sa Pilipinas. Sa loob ng sampung taon paninirahan na mag-isa, bago pa ako makapunta dito sa USA, ang church ang naging karamay at pamilya ko. Sila ang umalalay sa akin at hinding-hindi ko makakalimutan yun.
Sa pamamagitan ng pakikinig ng salita ng Diyos, muli akong napa-alalahanan kung gaano Nya ako kamahal. Tunay ngang isang napakagandang experience ang muling makita, mayakap at makasama ang iyong mga kapatid na matagal nang nawalay sa yo... Thank you, Lord.
Next Chapter: Balik Baguio...



No comments:
Post a Comment