Ang saya ng Baguio Trip namin! It is very hard to top that.
We dropped Diva and ate Weng in their place and headed home. Ate Jheng and kids, to Pililla, Rizal. Me, Toots and Christine, Indang, Cavite... Yup! Christine will be spending some of her vacation days!
Sa totoo lang, di ko nga alam kung ano ang gagawin ko sa babaeng ito! Napakadami kasing bawal! Isa pa, kinakabahan din ako na baka hikain sya ng todo habang nasa amin. Di ko alam ang gagawin noh! hahaha!
Natatandaan ko, ang daming first time na kasama itong si Christine eh... a) First time daw nyang sumakay sa bus ng nakatayo. Sa totoo lang, awang-awa ako sa kanya kasi ang nipis nga kasi ng katawan tapos patatayuin mo sa bus! Sabi ko na lang, konting tiis at maya-maya eh may tatayo din. Ako naman, hindi na rin masyadong sanay tumayo sa bus kasi nagda-drive naman ako dito sa US! Okay lang sa akin kasi medyo malakas naman ang resistensya ko pero itong si Christine, inalalayan ko ng sobra kasi parang napaka-fragile!!!! hahaha! b) First time nyang makarating sa Cavite. Yup! Eh mukhang ngayon lang ito naka-alis ng Cebu eh. Lagi yata syang nakakapit sa palda ng mama nya! hahaha! c) First time nyang mai-tour sa aking Alma Mater. Hahaha! Ipinasyal ko sya sa Cavite State University. Sa laki at lawak ng Main Campus, Muntik na yatang hikain itong si Christine! hahaha! d) First time nyang makarating sa Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite. Napasabit sya nang dalawin ko ang isa ko pang tiyahin doon. May natuklasan ako sa lugar na yun. Una, napatunayan ko na ang aso, talagang mahilig sa buto. Ikalawa, mabilis palang tumakbo si Christine! Kayo na lang ang mag-analize... Hahaha! e) First time na makarating ni Christine sa Tagaytay City!!! Yehey! Kumain kami sa RSM Tagaytay. Sobrang sarap kumain lalo na at kita mo ang view ng Taal volcano...
It was quite a ride... For more than a week, may buntot ako! hahaha! Buti na lang hindi kami nagkapalit ng mukha! hahaha! Peace!
Next stop: Muntinlupa City!
After more than a week of spending our time in Cavite, it's Christine's turn to accommodate me at her aunt's house sa Muntinlupa. May balak kasi kami na Mag-videoke sa Manila. It was a plan set up by Diva and Steven. Nakarating kami sa Muntinlupa. Sinundo kami ni ate Loren sa SM Southmall. Ang hirap talaga na walang masyadong alam sa Manila! As usual, sasakan ng init na naman! Ang haba ng byahe, na-stuck pa sa traffic at under construction pa ang daan pero it doesn't matter. Thinking na isa na namang panibagong adventure ang pupuntahan namin kinabukasan, bale wala ang init, traffic at haba ng byahe.
Very accommodating naman nina Ate Loren lalo na si ate Diding na hindi nagdalawang-isip na tanggapin kami sa kanilang simple pero napakagandang tahanan. Salamat po ng marami. Hindi ko makakalimutan ang hospitality nila!
Kinabukasan, very excited kami sa adventure na naghihintay sa amin. Ako, si Christine, si ate Loren at ang kanyang daughter na si Carla finally were on our way. Bago lang si Christine sa Manila at hindi pa nya nae-experience ang sumakay sa MRT. Sumakay kami sa bus papuntang Magallanes then rode the MRT! Since andon na rin lang kami, we decided to go to MOA kasi di pa rin nakakapunta si Christine doon. We had lunch at Aristocrat and had snack at Red Mango. Lakad lakad kami at picture picture. Then off to Trinoma! Medyo mahaba-haba ang sakay namin sa MRT! hahaha! Tuwang-tuwa si Christine!
TRINOMA...
Well, pagbaba namin sa MRT, yun na pala mismo ang Trinoma. Nag-meet kami nina Hazel at Anj! Exciting kasi bonding ito ng ilan sa mga fans ng STIVA! Steven decided to choose Red Box for the venue. Sobrang excited nina ate Loren, Carla and Christine (as if hindi ako excited! Hahaha!) Ito rin ang first chance kong ma-meet si Ria. Medyo matagal ko na syang kakilala sa net but this is the first time na makikita ko sya ng personal.
When Steven and Diva arrived with Ate Jheng and Ate Weng, we decided to eat dinner muna sa Max's Restaurant. Sa totoo lang, biglang tahimik ng grupo. Di ko alam kung nahihiya o galit-galit muna kasi gutom!!! After dinner, we went straight to Red Box. We've enjoyed each other's company until 12MN. We played billiards, Chikahan, Picture-picture at syempre KARAOKE!!! Nakakatuwa ang grupo kasi walang nahihiya! Kantahan lang... just pure, clean fun! This is one of the activities that I really enjoyed during my vacation.
I want to thank Steven and Diva for giving their precious time to make this possible. Also, I want to thank the tropa... Ate Jheng, Ate Weng, Ate Loren, Hayzel, AnJ, Ria, Carla and Christine. It was fun!!!
Well, like other good things, it just have to end. Halos kami na ang nagsara ng TRINOMA! hahaha! Gusto pa sana ni Steven na ihatid kami sa sakayan pero it's not possible kasi baka mapagsarhan sila ng garage ng mall. So we said our goodbyes... But the good memories will forever be right here in my mind and in my heart...
waaaahhhh hahahah natawa talaga ako ate sandee! hahahah xD Thanks! :D
ReplyDeletepero kakaiyak naman music ng slide..:'( kalurky..hehe
ReplyDelete