Thursday, July 15, 2010

Mga Kabaliwang Kasabihan

Marami ang nagtatanong sa akin, "Ilang taon ka na ba talaga?". Sagot ko, "Depende!"
Kung Itatanong mo, kung anong year ako ipinanganak, 19-- ako ipinanganak, pero sa isip ko, 19 pa lang talaga ako! hahaha!!! Ang gulo noh?! Di ko nga rin naintindihan eh! :D Kalokah!

Hay naku! Bakit ganon? Kung kelan maayos at maganda na ang takbo ng lahat, saka ka makakaramdam......... ng sakit ng tyan! Shocks!:-))

“Makakabalik ka nga sa lugar pero hindi sa
panahon.Makikita mo ulit ang taong minahal mo pero hindi na mauulit
ang nararamdaman ninyo noon.Lahat ng nangyari noon ay isa na lamang
masayang gunita ngayon.Isang bintana sa kahapon, na paminsan minsan ay
gusto mong masulyapan muli. Sabay bulong sa sarili sana pwedeng ibalik...
ang mga nangyari noon para magawa kong tama ang mga maling desisyon ng
pagkakataon.”

Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng nutribun na walang palaman at inaamag!!!! :D Sing-tatag ng bato, sintibay ng semento!

"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap,
mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng
kapareha dahil lang sa kaboses niya si Mariah Carrey o
magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao
higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa
eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

‘Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.’

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"

Parang elevator lang yan eh,bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo kung walang pwesto para sayo.Eh meron naman hagdan,ayaw mo lang pansinin.

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."

"Pag may mahal ka at ayaw sa 'yo, hayaan mo. Malay mo, sa mga susunod na araw, ayaw mo na din sa kanya. Naunahan ka lang."

May tatalo pa ba dito? Rukawa! Rukawa! L-O-V-E! Rukawa!!!! hahahaha! :D

No comments:

Post a Comment