Wednesday, July 28, 2010

NOON AT NGAYON

Noon at Ngayon...
Noon, kapag nakakita ka ng taong nagsasalita mag-isa, tinatawag na luko-luko o luka-luka.
Ngayon, kapag nakakita ka ng taong nagsasalita mag-isa, tinatawag na sosyal. Bakit? Kasi meron s'yang bluetooth hands-free device!!! wahahaha! Kalokah!


Noon at Ngayon:
Noon, tinatanong ko ang isang tao: "bakit mag-aasawa ka na?"
Sagot: "Kasi gusto ko na ring magka-anak."
Ngayon, tanong ko: "Bakit mag-aasawa ka na?"
Sagot: " Kasi buntis na GF ko. Magkaka-anak na ako!"
SEMPLANG, di ba?


Noon at Ngayon..
Noon, kapag nag-mura ka, sasabihin sa iyo, "Para kang sanggano!"
Ngayon, kapag nagmura ka, sasabihin sa iyo, "Wow! Sosyal!" lalo na kung english ang pagkakamura mo tulad ng S**T, D*m*, at F**k!
SEMPLANG!!!!!

Noon at Ngayon...
Noon, ang mga lalaki, nalulungkot kapag naba-busted.
Ngayon, ang mga babae, nalulungkot na rin! Kasi pati sila naba-busted na rin!!!
SEMPLANG na SEMPLANG!

Noon at Ngayon...
Noon, mahawakan lang ni lalaki ang dulo ng daliri ni babae, kelangang pakasalan agad.
Ngayon, kapag nahawakan na ni lalaki ang lahat kay babae, maliban ang dulo ng daliri, saka lang pakakasal! Naman!
SEMPLANG!!!!

Noon at Ngayon…
Noon kapag sinabi ng isang dalaga na Virgin pa s’ya, ang
sasabihin sa kanya… “Isa kang marangal na babae.”
Ngayon kapag sinabi ng isang dalaga na virgin pa s’ya, ang
...sasabihin sa kanya… “Bakit?”
Naman! SEMPLANG!!!

Noon at Ngayon...
Noon kapag nakakita ang mga tao ng babaeng napaka-iksi ng short o palda, pinagtitinginan sila ng mga tao...
Ngayon, hindi na! Pero kapag nagsuot ka ng damit na hanggang sakong, tiyak na pagtitinginan ka ng mga tao sabay sabing, "Ano ba 'yan? Saang bundok kaya galing yan?"
Super SEMPLANG!

Noon at Ngayon...
Noon, ang mga babae, sa bahay lang... Naglalaba, nagluluto, namamalantsa, naglilinis ng bahay at nag-aalaga ng mga bata...
Ngayon, hindi na. Karamihan sa kanila, nagta-trabaho na kaya mga asawa na nila ang naglalaba, nagluluto, namamalantsa, naglilinis ng bahay at nag-aalaga ng bata... hahaha!
Sabay-sabay tayong lahat... "SEMPLANG!" xD

No comments:

Post a Comment